











Ang ating kura paroko, si Fr. Robert Reyes, ay bumisita sa ating pamayanan noong nakaraang Huwebes, kasama ang ilang mga madre, mga boluntaryo mula sa simbahan, at mga kinatawan ng BEC at SSDM. Layunin ng kanilang pagdalaw ang maghatid ng kaunting tulong at suporta sa mga pamilyang naapektuhan ng mga bagyong Dante at Emong.
Ang mga relief goods ay ipinamahagi sa Zone 14 at Sitio Militar, bilang bahagi ng patuloy na misyon ng simbahan na maging katuwang ng pamayanan sa panahon ng sakuna at pangangailangan.
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng nagpaabot ng donasyon, at sa mga tumulong. Nawa’y patuloy tayong maging daluyan ng pag-ibig, malasakit, at pag-asa para sa isa’t isa.
Our parish priest, Fr. Robert Reyes, visited our community last Thursday, accompanied by several nuns, church volunteers, and representatives from the BEC and SSDM. The purpose of their visit was to extend a bit of help and support to families affected by Typhoons Dante and Emong.
Relief goods were distributed in Zone 14 and Sitio Militar as part of the Church’s ongoing mission to be a companion to the community during times of disaster and need.
We are deeply grateful to everyone who sent donations and offered their help. May we continue to be channels of love, compassion, and hope for one another.