Skip to content

Ambag- Habag 2025.

Muling nagliliwanag ang diwa ng Pasko sa ating parokya habang sinisimulan natin ang taunang Christmas Gift-Giving ng BEC. Sa halagang ₱500.00, available sa entrance ng simbahan, maaari kayong maghandog ng regalo para sa mga mapipiling kapus-palad na naninirahan sa mga sitios ng ating parokya.

Ang munting handog ninyong ito ay magiging tanglaw ng pag-asa sa kanilang tahanan-isang paalala na sa pagdating ng Pasko, walang nalilimutan, walang naiiwan. Bahagi rin ito ng BEC Fundraising Project, upang masuportahan ang mga gawaing pampamayanan ng ating parokya.

Maraming salamat po, at nawa’y pagpalain kayo nang sagana sa pagbibigay.


The spirit of Christmas once again shines in our parish as we begin the annual BEC Christmas Gift-Giving. For ₱500.00, available at the church entrance, you may offer a gift for selected less fortunate families living in the sitios of our parish.

This small offering will serve as a light of hope in their homes—a reminder that at Christmas, no one is forgotten, no one is left behind. It is also part of the BEC Fundraising Project, to support the community activities of our parish.

Thank you very much, and may you be abundantly blessed in your generosity.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *