Skip to content

Simbata First Anniversary

Malugod po naming ipinababatid sa inyo na ang ating Simbata na idinaraos tuwing ikatlo ng hapon araw ng Linggo ay magdiriwang ng Unang Taong Anibersaryo sa darating na Pebrero 11, 2024. Kasabay din nito ay ang paglulunsad ng kanilang BEC Kids upang mas mapalalim ang paghuhubog sa kanila.

Sa loob ng isang taon, ang ating Simbata ay patuloy na lumalago. Padami ng padami ang sumisimbang mga bata at mga pamilya. Unti-unti ay nadaragdagan din ang kanilang kaalaman at kalinangan tungkol sa
pananampalatayang Katoliko.

Kaugnay po nito, kami ay humihingi ng donasyon para sa pagdaraos ng Anibersaryo. Kada pagkatapos din po ng Simbata ay nagbibigay tayo ng kaunting pang meryenda sa halos 150 na mga batang dumadalo sa Misa.

Mayroon po tayong basket sa lamesa sa harapan ng simbahan para po sa inyong donasyon. Maraming salamat po at lubos kayo ng pagpalain ng ating Mahal na Panginoon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *